Pansamantala po naming itinitigil ang inyong
pakikinig para sa mga nagbabagang balita!
Balitang-balita sa Radyong Sira!
1) Isang tindera ng suka, tinoyo!
2) May-ari ng Minola, nasa korte na at ginigisa sa
sariling mantika!
3) Chop-chop lady, inaalam pa ng NBI kung buhay!
Abangan ang update!
4) Isang buntis, binaril! Baby, nakailag!
5) Dalawang lalaki, na-stuck sa escalator! Alamin
kung paano sila ni-rescue!
6) Kapapasok lang na balita, kalbong naka-turtle
neck, napagkamalang deodorant!
7) Palaisdaan sa Bulacan, nasunog!
8) Baklang ayaw sa away, napa-subo!
9) GMA newscaster na si Kara David at John Lloyd
Cruz, nagkakamabutihan nga ba? Kara, magiging Mrs. Kara Cruz kaya? Abangan!
10) Mayo 1 na! Pagpupugay sa Labor Day sa EDSA,
dinagsa ng mga buntis!
11) Lalaking negro, may puting balakubak!
12) Lalaking nanonood ng bomba, pumutok!
13) Crispin at Basilio, natagpuan na! Sisa, hindi
naman mahagilap!
14) Tatlong Pinoy ang kumpirmadong kasama sa lumubog
na submarine sa China!
15) May-ari ng NAWASA, sawa na sa asawa?!
16) Sampung mga daliri, nawala ang lima! Hinanap ng
kapulisan, nangangamot lang pala!
17) Isang komedyante, nag-resign dahil laging
pinagtatawanan!
18) Panaderong nambato ng monay, binato ng hollow
blocks!
19) Limang diver ng Coastguard, lumutang na!
20) Pipi hinoldap, hindi naka-imik! Tutukan kung
bakit!
21) Businessman na si Francis Kong at Kim Chui,
nagkakamabutihan nga ba? Kim, magiging Mrs. Kim Kong na nga ba?
22) Kuya Germs, kukunin nga bang endorser ng
Safeguard?
23) Tatlong batang naglalaro ng tumbang preso,
himalang hindi tumumba!
24) Jean Garcia at Andrew E., nagkakamabutihan? Jean
Garcia, magiging Mrs. Jean E. na nga ba? Alamin ang kahilingang ito!
25) Rico Yan at Sharon Cuneta, nagkakamabutihan?
Sharon, magiging Sharon Yan na kaya?
26) Manyak na teacher, tinuruan ng leksyon!
27) John Lapus napagkamalang vocalist ng The Dawn!
28) PAGASA, inulan ng batikos! Alamin kung bakit!
29) Isang baklang ulyanin, nakalimutang bakla ang
sarili!
30) Isang bulag na dalagita, isinet-up sa isang blind
date! Tutukan kung sino pa ang kanyang naging ka-eye ball!
31) Kahuli-hulihang supulturero ng Pilipinas, hindi
mailibing!
32) Member ng isang website para sa mga may Alzheimer's,
nakalimutan ang password!
33) Komedyanteng si K Brosas at rapper na si Gloc 9,
nagkakamabutihan? K, magiging Mrs. K 9 na nga ba?
34) Mister na nangaliwa sa asawa, ni-right jab ni
misis!
35) Batang may amnesia, pinalo ng tatay nang
magtanda!
36) Marian at Ariel Rivera, mag-tatay nga ba? Alamin
sa showbiz news!
37) Limang baboy sa Cebu, hinigh blood!
38) Babaeng natutulog, dumilat!
39) Bulag, sinapak, nandilim ang paningin!
40) Dalawang panot na bading, nagkurutan na
lang ng singit dahil hindi makapag-sabunutan!
41) Dalawang duling, nagkasamaan ng tingin!
42) Isang chef na hindi malinis magluto, nakatikim ng
reklamo mula sa customer!
43) Batikang singer na si Kuh Ledesma, may gusto kay
Ryan Bang? Kuh, magiging Mrs. Kuh Bang na nga ba?
44) Aleng bumibili ng suka, nasa-pack!
45) Babaeng galit sa mamahalin, nagmura!
47) K Brosas at Allan K., nagkakamabutihan na nga ba?
K, magiging Mrs. K K na nga ba?
48) Delivery truck ng C2, sumabog sa C5! Hinala ng
PNP, may nakatanim daw na bombang C4! See it next!
49) Tatlong lolo, nagpayabangan ng mga apo!
50) Invisible Boat Mobile ni Mermaid Man, hindi pa
rin natatagpuan!
51) Kubang buntis, gumulong sa highway! Limang tao,
sugatan!
52) Peking Duck sa China, nakatagpo na nga ba ng
tunay na pag-ibig?
53) Nasunog na factory ng leche flan,
nagkanda-leche-leche!
54) Satirical writer, Stanley Chi at Kim Chui, nagkakamabutihan
nga ba? Kim, magiging Mrs. Kim Chi kaya?
55) X Factor, may number one na! Pero least common
denominator, nawawala pa rin!
56) Isang pasyenteng may amnesia, nakalimutang may
amnesia siya! Sundan ang kanyang rehabilitation!
57) Wanted na dating sikat na singer, nahuli na ng
PNP. Kasalukuyang pinapakanta naman ng NBI!
58) Beth Tamayo at Marc Logan, nagkakamabutihan nga
ba? Beth, magiging Mrs. Beth Logan kaya?
59) Santa Claus, hinuli ng NBI dahil sa trespassing.
Depensa ni Santa, wala raw chimney ang Pilipinas!
60) BB Gandanghari at Gary V., nagkakamabutihan na
nga ba? BB, magiging Mrs. BB V. kaya?
61) Mrs. BB V., nakipag-divorce na kay Gary.
Nagkakamabutihan naman sila ngayon ni Michael V. Mrs. BB V., magiging Mrs. BB
V. – V. kaya?
62) Bulalohang nasa tabi ng orthopedic center,
nagsara na matapos malugi sa loob ng sampung taong pagbabanat ng buto!
63) Bagong world record ng Pilipino: 24 na taong
gulang na lalaki sa Makati, gumawa ng world record! Lunchbox, nilagyan ng
dinner! Alamin ang buong kaganapan bukas ng umaga bago mag-breakfast!
64) Jackie Rice at international actor na si Kevin
Bacon, bagay na bagay raw sa isa’t isa? Ketchup Eusebio, third party nga ba?
65) OPM singer na si Bamboo, magko-concert bilang
selebrasyon ng tatlong taon sa industriya. Papangalanan ang concert na “Bamboo
Three”! Mamunga kaya ang concert?
66) Suspendido ang klase sa buong Maynila! Mayor Lim,
dumami ang followers!
67) News number 46, hanggang ngayon, nawawala!
Nagbabasa ng balitang ito, hindi mapigilang siliping muli ang listahan!
68) Kumpanyang gumagawa ng Coconut Water, nabukong
peke!
69) Boy Pick-up sumisikat dahil nagpapahaba kasi ng
buhay ang pansit! BOOM!